Ang Alamat ni Pandacute :))
december 10, 2005
sa lahat ng date yan ang hindi ko kayang kalimutan.
6 years na pero ewan ko ba
mukha na nga akong tanga e, haha :)
tandang tanda ko pa
ako daw si panda cute :)
at sya ang pinakaunang lalake nagtangkang bigyan ako ng bagong palayaw
ang pinakamasayang parte ng hayskul life
at ang pinakamasaklap na pagpapakilala sa kin ni mareng LOVE
tungkol sa ‘first love’
1st year classmate
2nd year walang pansinan
3rd year kantiyawan kapag nagkakasalubong sa hallway
dun ko nakilala si mareng ‘attraction’
4th year lumala ang sintomas at natuloy sa SAKIT
kaya ipinanganak ang anak ni Gabriela Silang na modern version ni Maria Clara
sinulatan ko sya, nung una ayoko pang magpakilala, nagbakasakaling baka mahulaan niya kung sino ako
pero syempre matalino lang sya pero hindi sya manghuhula
sumulat ako ulit, kuyog ng kaibigan, nagpakilala na ko
syempre sosyal kaya may messenger
nakakahiya pero para ata akong uminom ng sandamakmak na guts nun para lang ipaalam na
ako ang ISTORBO sa buhay nya
syempre parang drama, padaan effect ako para magets nya na
natakot ako kasi gusto niya daw akong makausap,
pero nung mga panahon na yun sandali lang at wala na ang epekto ng ‘guts pill’ na nainom ko
kaya tago ako sa rest room
nasuffocate ako sa amoy kaya nagdesisyon na din akong lumabas matapos makumbinsi ng
messenger ko na wala na sya
ang subject nakita ko sya sa lobby hawak ang sulat ko
iniisip ko ng mga oras na yun kung ano kayang iniisip nya
nakatingin lang ako sa kanya
umiiwas sa tuwing makikita nya na nakatitig ako
kunwari lang wala akong alam sa mga nangyayari
at sinasapian lang ako ( sana nga )
hanggang nagulat na lang ako nasa likod ko na sya
tinatanong ni mr. smart guy kung totoo ba
syempre denial queen ako
sabi ko hindi
dapat pala sinabi ko may kakambal ako
tapos sa sobrang kaba ko
tumakbo ako
pahabol effect
nasuffocate ulet sa pinagtataguan ko ( likod ng jeep )
lumabas na ulit ako
aba si mr. smart guy nang-agaw ng messenger
at pinapasabing gusto niya ko makausap
hihintayin nya daw ako sa library
tuturuan ko sanang magsinungaling si messenger
at sabihing hindi niya ako nakita
pero syempre hindi sya maniniwala dahil sa mga oras na yun
tinatanaw nya ako mula sa library
kaya sige sugod ako
inamin ko pero
wala syang nasabi
ang tanging nasabi nya lang ay ‘nakabukas ung bag mo..’
ayokong umasa
pero sa tuwing nakikita ko sya at nagtatama ang mga mata namin
iniisip ko parehas kaya kami
sa mga tingin nya
at kilos nya
ramdam ko
pero ang hiling ko na sana aminin nya
pangarap lang
at hanggang ngayon pangarap pa din
masaya na ko makita ko sya kahit sa pictures lang
masaya na ko na masaya sya
masaya ako na naabot niya yung pangarap niya
ayoko na lang isipin na may GUSTO syang makasama sa pangarap na yun
dahil alam kong hindi ako yun
magkaibang mundo kami
pero kasali pa din sa wishlist ko
na sana kahit sandali lang
maexperience ko na makasama sya sa mundo nya
sana kahit one second lang
naaalala niya ako
alam mo yung pakiramdam na siya ang lahat sayo
para syang lotto na inaasam asam mo
para syang bituin at ikaw ang lupa
yung pakiramdam na kahit nakikita mong pinagtatawanan
ng mga kaibigan niya ang sulat mo, sige ka pa din
para kang cheerleader at sya ang varsity mo
yung pakiramdam na ang babaw na ng tingin
ng mga kaibigan mo sayo sa ginagawa mo
pero para sayo pagpapakatotoo yun
sya ang pangarap mo
at kaw EWAN lang para sa kanya
nakakatawa pero totoo nangyari sa kin to
sa totoong buhay
pero hindi gaya ng fairytale, walang ‘and they lived happily ever after.’
gaya ng pagkatuklas ko sa salitang soulmate
at sa pag-iisip kong SIYA yun
natuklasan ko din bandang huli na
walang SOULMATE sa reality
at gaya ng lahat ng sulat na NARECEIVE niya
kalakip ang pangalan ko, aaminin ko
Ako si Ana Grace Reyes at eto ang last letter sa
libro namin ng FIRST LOVE ko
/closed chapter/


